Sabi ko, iiwas ako
Lalo na kapag alam kong delikado
Pero kinain ko ang mga salita ko
Nang masilayan, nasira ang lahat ng
Ano na ang gagawin ko
Iba ang mga bagay na nakikita ko
Kapag napatingin sa mga mata mong
Nagbigay buhay sa natutulog kong diwa
Mga mata nga nga anghel
Namamanhid ang aking pakiramdam
Mga bagay na nararamdaman ko lang tuwing tumitingin ako
Sa mga mata among maliliit pero
Siyang bumubuo sa buhay ko
Akala ko walang katotohanan
Kapag sinabing ‘nasa langit ako kapag nakikita kita’
Pero totoo pala siya
Wala na kong mahihiling pa
Masaya na
Pero may kulang pa rin pala
Katotohanan ang mahal kita
Pero ikaw mismo ay nawawala pa.
At nang diretso ako’ng makakatingin sa mga mata ng isang Anghel.

No comments:
Post a Comment